Lunes, Setyembre 21, 2015

Kaibigan Ko sa Buhay

Tunay nga ang kasabihan na “ No Man is an Island”  dahil lahat tayo ay may mga kasama sa buhay. May mga pamilya tayo na kapiling natin mula nang tayo ay bata pa. Maging  sa pagpasok natin sa eskwelahan may mga tao tayo na nagiging kaibigan. Sila ang nagsisilbing karamay natin sa loob ng paaralan, ang nakakasama natin sa ating mga nagiging kalokohan, sa mga paggagala sa kung saan man. Ang mga kaibigan din ay minsan na din nating itinuturing na kapatid at kasangga sa anumang bagay. Sa ating mga kaibigan may masasabi at makikita tayo na tunay at may mga pastic din naman. Pero kaahit na ganun masasabi ko parin na masaya at masarap ang magkarroon ng mga kaibigan at kasama sa buhay dito sa mundo.
Noong  ako ay nasa secondary, masasabi ko na ito ang pinakamasayang yugto nang pag aaral. Ito kasi ang stage na pwede ka magpa easy easy lang sa buhay. Dito sa stage na ito ako nagkaroon nang maraming kaibigan na masasabi kong tunay at maaasahan. Magkakasama kami sa hirap at ginhawa nang aming pag aaral. Nagtutulungan kami sa lahat nang bagay basta makakaya namin. Sa isang barkada hindi naiiwasan ang mga away lalo na sa mga babae. Pero kahit na ganun nagkakasundo sundo pa rin kami sa huli. Naranasan ko din ang tumakas sa aming bahay para makasama sa kung saan mang lugar na pupunta.  Marami din ako napupuntahan na di common na lugar nang dahil sa barkada. Maging ngaung kolehiyo na ako di pa rin nawala ang pagkakaibigan namin at nadagdagan pa ang aking mga kaibigan.





Ang mga kaibigan ko noong ako ay nasa secondary. “JShaMhelLanJayJeRinaKimJuNikRine”
J-Rona Mae Soriano. Isa sya sa kaibigan ko na magaling mga drawing ng mga catoon character. Magaling sya kumanta. Sya minsan ang taga sulat ko sa aking kwaderno pag may mga ipinapagawa sa akin ang iba naming guro.
Krisha-nel Castillote. Isa sa mga kabarkada ko maganda at super bait. Hindi sya yung tao na hindi basta  nagagalit nang hindi matindi ang dahilan na kasalanan. Magaling sya kumanta. Isa sa class officer ng aming section. Sya ay isa sa madalas ko nakakasama sa kung saan saan lugar na pinupuntahan n gaming barkada. Pero hindi tulad ko, sya ay nagpapaalam ng maayos sa kanyang mga magulang. Tumutupad siya sa kanyang mga sinsabi. Isa sya nagiging taga ayos ng mga hindi pagkakaunawaan n gaming barkada.


Mhel Vincent  Villanueva. Ang kaibigan ko na syang namumuno ng mga paggala ng barkada. Sya ang nagpaplano lugar at kung paano ang pagpunta. Isa sa mga kaibigan ko na di ko din masyado kasundo sa ilang mga bagay. Sya yung tipo nang kaibigan na unang natupad sa usapan basta galaan.
 
Lanie Cantos. Ang kaibigan ko na pinsan ko pa. Sya yung kaibigan na mabait, maaasahan at kasangga ko sa pagtakas ko sa bahay namin para sumama sa mga lakad ng barkada. Malimit man sya noon na sumama sa barkada namin noon game na game pa rin sya sa kung ano man ang maisip na kalokohan ng barkada.


Mark Jay  Mendoza. Kaibigan na mahilig din sa galaan. Mabait at maaasahan din sya. Ang ayaw ko lang sa kanya ay yung nanghihiram sya nang gamit ngunit hindi nya agad isinosoli kahit pa kinukuha na sa kanya.Masipag din sya. Mas pinipili nya na mahirapan at magsakripisyo para sa kanyang kapamilya.

El Jerome Miranda. Sya ang kaibigan ko na itinuturing ko na best sa kanila. Sobrang bait nya sa lahat lalo na sa kanyang mga kaibigan.Sya ang itinuturing nya kuya ng aming barkada. Wala syang nakakaaway. Sya din ang nagbibigay ng mga wisdom word sa amin upang wag malihis ng landas. At syempre sya ang nagsisilbing tagaawat at tagapagkasundo nang aming barkada kapag nagkakaroon ng away.

Carina Acorda. Ang bibo at nagpapasaya nang aming barkada. Sumasama sya sa lahat ng lakad ng barkada basta wala siyang gagawin. Hindi siya nanonood ng mga horror movies.

Julia Delgado. Barkada ko na sobrang bait din. Kahit na may mga salita na hindi maganda ang nasasabi sa kanya ay hindi sya nagdaramdam.






Nikka Catilo. Isa sa mga kabarkada ko na hindi ko masyadong kadikitan pero nakakasundo ko naman.

Catherine Mae Canagan. Sya ang Mommy ng barkada. Sya din ang nagiging boss namin.Sya din ang pinaka matalino sa aming magkakabarkada.



Mga kaibigan ko ngayong kolehiyo.


Hannah. Mabait, mahilig kumain at mahilig din gumala sa kung saan. 


Joy. Maedad man sya sa amin, nakikipagsabayan parin sya sa amin. Marunong sya makisama at may kulit din na tinataglay.

Ana. Sya ang palaging naasahan namin sa lahat ng bagay.

















Kaya masarap ang magkaroon ng mga kaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento